Picture
Ganun ang ginawa ni Yigit Cinar dahil nabibitin siya sa features ng Ipad at ng iba pang mga tablets na naglilipana ngayon sa mundong ibabaw. Nagdesign siya ng sarili niyang 3D model ng kanyang dream tablet gamit ang Autodesk Maya, Adobe Photoshop at Macromedia Flash. Bagamat ang tablet na ito ay nabubuhay lamang sa imahinasyon natin, di hamak na mas astig pa din siya kesa sa mga naglalabasang real-world counterparts nito ngayon. Masdang maigi:
  • Multiple USB ports
  • HDMI
  • Removable battery
  • Pen/stylus
  • Remote control
  • Camera sa harap at likod
  • Touchpad by Wacom
  • Google Chrome OS
  • HP manufactured
Di ko malaman bat walang nakaisip gumawa nito? Naglalaway din akong magkaroon ng tablet na matino. Sana may makapulot ng idea mula sa design ni Cinar at nang masimulan na ang paggawa nito. May demo video siya'ng ginawa at mapapanood ito sa Wired. Oh, pantasya...kailan ka mapapasaakin? Ohh la la.
Mike Pagsanjan
6/16/2010 07:45:33 pm

Gawing totoo na yan haha :))

Reply
2ns
6/16/2010 08:01:17 pm

pao, balita ko mula sa isang friend na nawowork sa google, maglalabas din daw ang google ng sarili nilang tablet. ang tawag daw goblet (nyehehe) pero seriously kwento sakin maglalabas nga raw talaga ang google ng tablet :)

Reply
lolotechie
6/16/2010 08:03:26 pm

not impressed.

Reply
pao
6/16/2010 08:45:09 pm

2ns: Talaga?!? Malamang Android yun no? Sana naman panalo yung pagkakagawa non. Go Google!

Reply
8/10/2010 10:21:19 am

If I had a single flower for every time I think about you, I could walk forever in my garden.

Reply



Leave a Reply.