Picture
Japanese porn star Anri Suzuki, may doctorate siya sa history. No Joke. Meron talaga.
Sabi ni AV Idol Anri Suzuki, 24, willing siyang makipagsex (oo, makipagTALIK) sa mga estudyanteng Chinese bilang pagsosorry sa mga nagawang karahasan ng Japan sa China noong 1937 Japanese invasion.

Actually hindi naman masyadong nakakagulat yung fact na willing makipagsex ang isang porn star sa ibang tao, ang nakakagulat na balita ay ito: si Anri ay may doctorate (oo, DOCTORATE, at 24 years old!) sa Sino-Japanese history! San ka pa?? Pornstar na may doctorate sa history! Astig! Lintik na yan...magaling na sa kama, matalino na, mahilig pang magsorry!

Alam kaya niya na marami ding nagawang karahasan ang mga kababayan niya dito sa atin sa Pinas? Baka gusto niya din magsorry dito sa atin? Sama na niya si Maria Ozawa para siguradong mapatawad natin sila. [the sun uk]
 
Picture
Ok, fine medyo nahuli ang greeting ko. Pero hayaan niyong i-share ko sa inyo ang ginawa ng gmanews.tv noong Independence Day...

112 years of independence, 112 views. Tinanong ng gmanews.tv sa kanilang mga Facebook at Twitter friends "What does independence mean to you?" at ito ang kanilang mga sagot na nilatag sa isang simpleng interactive Flash presentation.

Wag nating pabayaan ang "kalayaan" natin, mga 'te. :)
 
Picture
Pero dahil sa malupit na pangangalap ng lumang litrato ni direk Uro Dela Cruz (direktor ng Bubble Gang at screenwriter ng Scorpio Nights lang naman), masisilayan pa din natin ang mga astig na 35mm photos! Wala pang Photoshop non, 'te!

Mula June 9 hangang July 3 ieexhibit sa SIlverlens Gallery ang mga kuha ni Protomartir ng aftermath ng World War 2. Masdan ang mga litrato ng warak-warak na Maynila at ang unang pagwagayway ng malayang (?) bandila ng Pilipinas sa Declaration of Independence.


Ito'ng site ng Silverlens. Go na yan. Astig 'to. Pramis.
 
Picture
Feeling ko ang poverty sa bansa natin ay di lang financial, pati cultural. Di natin naiisip na astig ang pingagmulan ng lahi natin. Dapat dalas-dalasan natin ang pagtambay sa museums. Marami tayong mapupulot na kaalaman tungkol sa nakaraan natin. Malay natin andun pala yung mga sagot sa pinakamahalaga nating tanong. Sino ba tayo bilang isang lahi? Ano ba talaga ang nangyari bago dumating ang mga Kastila? Dito ba ako makakakilala ng isang hot nerd na mamahalin ako kahit wala akong kinabukasan?

Tapos na yung madrama kong intro.

Si Ambeth Ocampo ay isang malupit na historian. Nagustuhan ko yung mga libro niya dahil ginagawa niyang parang chismis ang history. Ano kayang historical chismis ang isisiwalat niya sa lecture niya sa Ayala Museum? Bata pa ako astig na astig na ako sa mga diorama doon eh.   [Ayala Museum]