Isa nanamang nakaka jeje na Youtube video mula kay Patrick Boivin na taga Montreal. Yung baby sa video ay anak niya. Yung mga rabbit, ewan ko kung sino yung mga yun pero winner sila. Si Boivin din ang gumawa ng Youtube hits na Iron Man vs Bruce Lee at Ninja's Unboxing! [youtube]
 
Picture
'te, lika dito pintahan kita.
Nagkaroon ng naked painting party sa the Gallery Bar sa Lower East Side sa New York City noong May 26, 2010. Pag ginawa natin dito yan ano kaya mangyayari? Huhulihin ba tayo ng pulis? [the village voice NSFW]
 
Picture
parang lipo pero di masakit
Bro, nag-uumambok ba ang bilbil mo sa kakainom ng beer? Tumataba ka na ba dahil sa kaka-raid sa ref niyo sa bahay? Masikip na ba ang mga pantalon mo, chong? O, eto, may men's 'shapewear' na gawa ng Spanx for men. Ewan ko lang kung magkakaroon na nito sa Pinas, pero sa US hit daw siya sa retail industry. Papansinin kaya ito dito sa atin? O ang malaking bilbil ba ay tanda ng tunay na macho? [nytimes]
 
Isang pusa na nakaupo na parang tao ay sininok at napautot ng SABAY. Bilib ako sa amo nito. Hanep sa timing. [youtube]
 
Picture
Babalik na ang Thundercats sa 2011!

Magpapartner daw ang Warner Bros. Animation at Studio4ºC para ibalik sila Lion-O, Tigra, Panthro, at ang all-time childhood crush ko na si Cheetara. Studio4ºC ang gumawa ng nakapalupit na animated movie ng Tekkon Kinkreet. Sana matuloy ito. [i09]