Madidiskubre ni mr. Contra ang tunay na pinagmumulan ng mga nahuhulog na shapes sa Tetris. Handa ka na bang harapin ang katotohanan??
 
Picture
Oo nga naman.
 
Picture
Ganun ang ginawa ni Yigit Cinar dahil nabibitin siya sa features ng Ipad at ng iba pang mga tablets na naglilipana ngayon sa mundong ibabaw. Nagdesign siya ng sarili niyang 3D model ng kanyang dream tablet gamit ang Autodesk Maya, Adobe Photoshop at Macromedia Flash. Bagamat ang tablet na ito ay nabubuhay lamang sa imahinasyon natin, di hamak na mas astig pa din siya kesa sa mga naglalabasang real-world counterparts nito ngayon. Masdang maigi:
  • Multiple USB ports
  • HDMI
  • Removable battery
  • Pen/stylus
  • Remote control
  • Camera sa harap at likod
  • Touchpad by Wacom
  • Google Chrome OS
  • HP manufactured
Di ko malaman bat walang nakaisip gumawa nito? Naglalaway din akong magkaroon ng tablet na matino. Sana may makapulot ng idea mula sa design ni Cinar at nang masimulan na ang paggawa nito. May demo video siya'ng ginawa at mapapanood ito sa Wired. Oh, pantasya...kailan ka mapapasaakin? Ohh la la.
 
Picture
Ok, so hindi astig ang kalunos-lunos na kalagayan ng ibang mga public school students natin na sa tabi ng kubeta nagkaklase. Bad trip yun.

Pano kaya yun kung magsi-CR ka? Ano sasabihin mo sa teacher mo? "Ma'am may I go...HERE?" [gmanews.tv]
 
Picture
Ganitooooooo!!! [Ripetungi]
 
Picture
Balak daw maglabas ng Amazon ng bagong version ng Kindle! Mas mura ($50 o mga P2,500 kung magkakaroon dito sa Pilipinas), mas maliit (kasya daw siya sa bulsa mo), at wala nang kung anu-ano pang cheche bureche. Basta E-book reader lang siya...TAPOS.

Kung mahahati sa dalawa ang market ng E-book readers, isang high-end na Ipad ang trip at isang low-end na Kindle ang trip, parang mas ok yata yun para sa nakararami. Biruin mo, konting ipon lang may Kindle ka na. Kasya na doon ang ilang daang libro. Sana maipalaganap ng Amazon ang bagong Kindle nila dito sa atin para maenjoy na natin ang E-book version ng Remate, Bosero, at Philippine Ghost Stories vol. 325! [Wired]
 
Ang Brain Farm ay walang ginawa sa buhay nila kundi kumuha ng mga astig na camera at ikabit ito sa mga astig na mounts na minsan hanggang lima ang gyro. Tapos ikakabit nila ang lahat ng ito sa truck, kotse, eroplano, bangka, lobo at kung anu-ano pa. Tapos lalarga sila para kumuha ng video na malupet.

Lahat ng cutting edge na camera equipment pinupuntirya nila tapos nakikipag partner sila sa mga surfer, snowboarders, skateboarders, mga pasaway na piloto, sa National Geographic...yung mga ganong level...tapos rolling na!
 
Picture
Ang Scott Pilgrim ay isa sa mga pinaka nakakaaliw na komiks na nabasa ko EVAR. Maayos na napapaghalo ng author na si Bryan Lee O'Malley ang feel ng mga retro video games, indie music, at cute na kalabuan.

Ang bidang si Scott Pilgrim ay isang 23 year old na bahista ng (bano na) bandang Sex Bob-omb. Tamad siya, medyo tanga, medyo kupal, at walang trabaho. Makikilala niya ang mysterious na chick na si Ramona Flowers, pero bago sila tuluyang maging mag-jowa, kailangan munang talunin ni Scott ang 7 evil ex-boyfriends ni Ramona. Saksakan mo pa ang kwento ng mga nakakatuwang characters at kagaguhang fight scenes, malabong pacing at astig na chibi-style drawing. Sobrang astig ang lahat ng existing 5 volumes ng kwento. May pang anim pa pero isasabay nila ang release nito sa pelikulang Scott Pilgrim vs The World na pinagbibidahan ni Michael Cera (Superbad, Juno) at directed by Edgar Wright (Hot Fuzz).
Pero hindi pa diyan nagtatapos ang Scott Pilgrim goodness! Maglalabas din sila ng video game base doon sa original comics version ng kwento. Downloadable daw sa PS3 ang ang game kaya kayong may mga XBox at Wii diyan, kailangan pa ng konting dasal kung gusto niyong laruin ito. Heto ang mga detalye ng Scott Pilgrim video game
Picture
Base sa screenshot mula sa Gameinformer, ang game ay retro-Family Computer style. Parang Double Dragon siguro...pero cute! Pwede mo daw laruin ang mga characters na sila Scott, Ramona, at Sex Bob-omb band members na sila Stephen Stills, at Kim Pine. Sana lumabas pa ito sa ibang platforms kasi mahirap lang kami eh...wala akong PS3.
 
Picture
Mula kay artist Alberto Esquillo Jr., ang Bato-bato sa Langit ay isang koleksyon ng mga painting at mga sculpture na tumatalakay sa paghahanap natin ng identity bilang mga Filipino. Wala din akong idea kung ano ang makikita doon sa exhibit pero kung yung image na nilagay ko ay isang magandang sampol, mukhang pwedeeee.

Sa June 9 din ang opening ng exhibit sa SLab gallery sa Makati. kasabay nito ang opening ng exhibit ni Teodoro Protomartir sa Silverlens (na katapat lang ng SLab). Pwedeng-pwedeng tuhugin na lang para may double-dose ka ng astig sa isang gabi. [SLab]
 
Ang designer toy na Robotars ay mga robotic tarsiers na ginawa ni super creative architect-artist Jomike Tejido. Si Jomike din ang gumawa ng mega astig na Foldabots (folding robots! o-hah!).

Nirelease na ni Jomike ang mga alagad niyang tarsiers para bigyang pansin ang patuloy na pagkasira ng ating environment. Panoorin sa video ang ilang samples ng mga custom Robotars na ginawa ng iba't-ibang mga local Filipino artists. Kung mahilig kang mag-custom ng mga toys, tirahin mo na yang mga tarsiers na yan!

Tapos pwede niyong laruin ang Robotars video game dito.