Picture
supermikki releases a new set of shirts. game.
Picture
Picture
UAAP na! Animo! Libre ice cream!
Picture
Dami pwede gawin mula ngayong gabi (Huwebes) hanggang matapos ang Linggo. Sarap lumabas. Inom-inom. Dahan-dahan, puso...wag kang magmahal ng basta-basta.
 
 
Picture
Masyado nang matagal mula nang huli akong nagpost. Pasensiya na dahil marami akong inasikasong bagay na umaatikabo. Anyway, napakaraming nangyari mula nung huli kong post:

1. May bago nang Presidente
2. Hiwalay na si Kris at James
3. Nagbirthday ako.
4. Isang life long dream ay maaari nang matupad (ang majerjer si Natalie Portman?!)

Promise di ko na iisnabin ang blog.
 
 
Picture
Picture
Buti nga sa iyo, hindot ka.

Salamat sa link, 2ns! :)
 
 
Picture
dancing inmates are sooo 2008!
Hindi lang mga sigaw ng paghihinagpis at karahasan ang maririnig mo mula sa mga pader ng Bilibid prison kundi pati na ang himig ng kantang "New York, New York" at iba pang mga broadway hits.

Ayon sa CBS news:
The 100-member Bureau of Corrections Grand Orchestra and Chorale at the New Bilibid Prison in Manila played Broadway pieces and love songs in the local Tagalog language to prison officials, relatives and media. A soloist, backed by the orchestra, also sang "New York, New York" as women inmates in top hats and coattails danced.

Nakakatuwa na umiisip ng mga creative na paraan ang mga correctional officials natin para marehabilitate ang mga preso. Tandaan mo, sa maximum security nakakulong ang mga ito, kaya hindi biro-biro ang mga kasalanan ng mga yan. Buti na lang at sa music nila nilalabas ang kanilang aggression kesa sa rambol. Gang war! Oxo vs Sigue-Sigue! Pulutin mo yung sabon, bata! Woohoo!
 
 
Picture
Nagulat ka ba kay Lady Gaga?
Mahabang babasahin ito at mas ok kung babalik-balikan mo yung listahan ng Fast Company para hindi ka mag information overload. Hitik sa impormasyon at realted links ang listahan, at sa dami ng mga creative movers and shakers na yan, imposibleng hindi ka mainspire sa kaastigan nila.
 
 
Picture
Disko $970, aray ko po.
Naglabas ang Puma ng malulupit na bisikleta gawa ng Danish product design supergroup na Kibisi. Maporma ang mga bike at layon ng Puma na "i-redefine" ang "urban ride", kung ano man ang ibig sabihin non, hindi ko alam.

Ngayon na pwede nang magdala ng bike sa loob ng LRT 2 ang sarap sanang magkaroon ng ganito at maglibot-libot lang sa Maynila. Sana lang hindi ka maholdap.

Iba-iba ang models ng Puma bikes: may pang babae, may natitiklop, mayroong may basket sa harap, at lahat sila...MAHAL. May ilang mga customization options online para bago mo padeliver, oks na siya! Pwede mo palitan ng kulay, pwede ka pumili nag accessories, etc.

Hindi pa siya available for shipping dito sa Pilipinas, pero kung sabay-sabay tayong lulundag, papalakpak, at magkakamot ng ulo baka sakaling magpadala ang Puma ng mga sample dito. O...ready? Tara! [puma]
Picture
Picture
 
 
Picture
Japanese porn star Anri Suzuki, may doctorate siya sa history. No Joke. Meron talaga.
Sabi ni AV Idol Anri Suzuki, 24, willing siyang makipagsex (oo, makipagTALIK) sa mga estudyanteng Chinese bilang pagsosorry sa mga nagawang karahasan ng Japan sa China noong 1937 Japanese invasion.

Actually hindi naman masyadong nakakagulat yung fact na willing makipagsex ang isang porn star sa ibang tao, ang nakakagulat na balita ay ito: si Anri ay may doctorate (oo, DOCTORATE, at 24 years old!) sa Sino-Japanese history! San ka pa?? Pornstar na may doctorate sa history! Astig! Lintik na yan...magaling na sa kama, matalino na, mahilig pang magsorry!

Alam kaya niya na marami ding nagawang karahasan ang mga kababayan niya dito sa atin sa Pinas? Baka gusto niya din magsorry dito sa atin? Sama na niya si Maria Ozawa para siguradong mapatawad natin sila. [the sun uk]
 
 
Picture
Matagal-tagal pa naman...pero maganda yung poster eh. Mag-ipon ka na ng pang inom.
 
 
Nagsanib pwersa ang Youtube at Guggenheim Foundation para ibigay sa atin ang contest na Youtube Play. Lahat ng non-commercial videos sa Youtube na inupload sa site nitong nakaraang dalawang taon ay pwedeng makasali.

Kung guto mong magsaubit ng bagong video, ipadala lang ito sa youtube.com/play. Pipiliin ng isang pulutong ng mga film buffs ang mapalad na mananalo at ipapakita ito sa Solomon Guggenheim Museum sa NYC ngayong October. Kung bitin ka pa dun, ipapakita din ang mga winning works sa Guggenheim museums sa Berlin, Bilbao and Venice. Wow. Sikat! Kaya kung sa tingin mo kaya mong makipagsabayn sa mga astig na film makers mula sa iba't-ibang sulok ng mundo...go na yan! Submissions close July 31.[creative review]
 
 
Picture
Ok, fine medyo nahuli ang greeting ko. Pero hayaan niyong i-share ko sa inyo ang ginawa ng gmanews.tv noong Independence Day...

112 years of independence, 112 views. Tinanong ng gmanews.tv sa kanilang mga Facebook at Twitter friends "What does independence mean to you?" at ito ang kanilang mga sagot na nilatag sa isang simpleng interactive Flash presentation.

Wag nating pabayaan ang "kalayaan" natin, mga 'te. :)